Posts Tagged With: pasay city

Cuevas Bakery

“350 lang…”

Yan ang isa sa madalas ko naririnig pag naglalakad ako pauwi.

Pag pauwi ako, I walk from the MRT taft station until sa kanto ng Cuevas Bakery. So, sa araw-araw at gabi-gabi ba naman na nilalakad ko yan, hindi maiiwasan na mamukaan ko na ang mga tao na madalas andun.

At ang mga lugar sa Pasay City along EDSA ay … well, alam niyo na. Siguro may apat na beerhouses at isang motel akong nadadaanan palagi. Gabi-gabi, nakikita ko sila sa mga kanya-kanya nilang mga pwesto.

Naririnig ko palagi ang mga conversations nila – amongst themselves at sa mga potential customers nila. Nagbibigay lang sila ng mga presyo sa mga dumadaan na mga lalaki.

Tapos mag aantay lang sila sa mga upuan sa may tapat ng kani-kanilang mga beerhouses, nakadisplay at ready na bilin pag sila ang napili.

:(

Categories: mga kwento | Tags: | Leave a comment

Blog at WordPress.com.